‘Renewable energy’ palalakasin pa ng DoE

HABANG umiinit ang isyu sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ukol sa posibleng langis sa Spratly Island, dinoble naman ngayon ng Department of Energy (DOE) ang pagpapalakas sa paghanap ng alternatibo at “renewable energy” sa paglulunsad ng “National Renewable Energy Program (NREP) sa Makati City, Martes ng umaga.

Ipinaliwanag ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na ang NREP ay nakapailalim sa Energy Reform Agenda ng ahensya na layon ay magamit ang “maximum energy potential” ng renewable energy na aabot sa higit 200,000 megawatts at magamit ng pangmatagalan.

Binuksan ng programang NREP sa Makati Shangri-la Hotel na dinaluhan ng 400 renewable energy advocates, mambabatas, non-government organizations (NGO), at iba pang stakeholders sa enerhiya.

Nakapaloob sa NREP ang mga target na pagmumulan ng enerhiya na pangmatagalan at pansumandali.

Kabilang rito ang “solar (araw), hydro (tubig), ocean (karagatan), wind (hangin), biomass (dumi), at geothermal power (bulkan)”.

Kasama rin sa programa ang roadmap o daan para makamit ang “marketing” o pagbebenta ng renewable energy para mapakinabangan ng mga Filipino. Ang naturang programa ay ayon sa isinasaad ng Republic Act no. 9513 o Renewable Energy Act.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply