Rep.Godofredo Arquiza kinasuhan ng libelo

NAHAHARAP sa kasong libelo at damages si Senior Citizens Party-list Rep. Godofredo Arquiza.

Si Arquiza ay sinampahan ng kasong libelo sa Quezon City Prosecutors Office Miyerkules, Hunyo 8 at nakatakdang sampahan ng damages sa Nueva Ecija ng kaniyang third nominee na si Francisco Datol, Jr.

Sa pagharap ni Datol sa media, sinabi nito na sinira umano ni Arquiza ang kaniyang reputasyon nang ipaaresto ito matapos makahanap ng isang warrant of arrest na may petsang 2004.

Ngunit tila na-wow mali si Arquiza dahil ang nag-aakusa ay nanindigan na hindi si Datol ang kaniyang ipinaaresto sa kasong estafa at illegal recruitment kungdi kapangalan lamang.

Ang duda ni Datol ginawan siya ni Arquiza ng usapin para harangin ang kaniyang pag-upo bilang third nominee upang makaupo ang misis nito na si Remedios Arquiza na siyang 4th nominee ng party-list.

Batay sa kasunduan, magkakaroon ng term sharing ang second nominee na sina David Kho at third nominee na si Datol na magpapalitan sa january 2012.

Nauna rito ay nagsagawa ng privilege speech si Arquiza sa plenaryo noong nagdaang linggo kung saan kaniyang inakusahan si Datol ng pakikipagsabwatan sa Commission on Elections (Comelec) upang siya umano ay mailuklok sa pwesto.

Sinabi rin ni Arquiza na tinangka umano ni Datol na patalisikin siya sa pwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply