Rep. Pacquiao may official visit sa US

GAGAMITIN ng Department of Trade and Industry ang kasikatan ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao para kumbinsihin ang mga mambabatas sa Amerika na ipasa ang Save Our Industries Act (Save Act).

Ito ay isang panukala na magbibigay buhay sa industriya ng garments ng bansa at industriya ng tela sa Amerika.

Ayon kay Trade Undersecretary Cristino L.Panlilio, ipapadala ng ahensya si Pacquiao sa Amerika kasama ang kinatawan sa kalakalan ng bansa upang hingin ang suporta ng mga kongresista sa Washigton sa napakahalagang panukala.

Nananawagan din ang kalihim sa lahat ng mga Pilipino na may mga kamag-anak sa Amerika na sumulat o kausapin ang kanilang mga kongresista para suportahan  ang nasabing panukala na magbebenepisyo ang mga garment exporters na mapalawak ang kanilang operasyon hanggang Amerika sa ilalim ng preferential treatment  na nagpapataw ng maliit na buwis o kayay zero-tariff sa mga yaring produkto galing Pilipinas gamit ang mga tela na mula sa Amerika.

Sa ilalim ng Save Act ay may kaakibat na 809 program na nagsasama sa listahan ng most favored nation ng bansang nageexport ng mga damit  mula sa mga materyales ng US, at maaaring pumasok ang mga produkto sa Amerika na duty-free.

Magpapasok ang Amerika ng mga tela sa Pilipinas na aabot hanggang $500 milyon kapalit ng maraming oportunidad sa garment export ng bansa at dagdag na kitang dolyar sa kaban ng pamahalaan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply