Resort ng kaibigan ni Pacman tuluyang isinara

TULUYANG ipinasara ni Malay Mayor John Yap ang West Cove resort sa Aklan makaraang patuloy nitong labagin ang utos ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor Yap, noong nakaraang taon pa niya pinagsabihan ang negosyanteng si Crisostomo “Cris” Aquino, matalik na kaibigan at business partner ng boxing icon na si Manny Pacquiao at dating Environment Secretary Lito Atienza, na tigilan na ang pag-develop sa kanyang resort sa may Sitio Diniwid Brgy. Yapac ngunit nagpatuloy ito sa pagdagdag ng villas sa itaas at gilid ng coral reefs at cliff.

Kaya maliban sa pagpapasara ay ipinag-utos din ni Mayor Yap ang pag-demolish sa iligal na istraktura at gusali ng naturang resort.

Kung maaalala, noong Biyernes ng hapon ay iniutos ng alkalde ang pagpapasara ng resort dahil sa kawalan ng business at occupancy permit mula sa local government unit (LGU) ng Malay.

Nilabag umano nito ang Presidential Decree 1096 o National Building Code.

Samantala, depensa naman ng general manager ng West Cove na si Ben Hur Mobo III, na nakapagsumite na sila ng mga requirements sa munisipyo at iginiit na ang LGU-Malay ang nagkulang na maproseso ang kanilang permit dahil sa sinasabing “zoning violations.”

Hindi aniya nila kikilalanin ang closure order ng LGU sa halip ay magde-demand sila ng kautusan mula sa korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply