Retiradong opisyal ng NFA, patay sa pick-up

PATAY ang isang retiradong supervisor ng National Food Authority (NFA) nang maatrasan ng pick-up truck na pag-aari ng Pangasinan Electric Company (Panelco) sa bayan ng Binalonan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Rodolfo Tangunan, dating opisyal ng NFA sa lalawigan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang aksidente dakong alas-onse ng umaga, Martes, Hunyo 14, nang patungo sana sa palengke si Tangunan, subalit biglang naatrasan ng truck.

Pumailalim pa ang biktima sa naturang sasakyan kaya’t napuruhan ang ulo.

Hindi na nagawa pang isalba ang buhay ng biktima dahil halos malasog na ang katawan nito.

Dobleng kaso naman ang kinakaharap ng Panelco dahil wala pang lisensya ang kanilang company driver na hindi naman kinilala sa ulat.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply