Retiradong pulis Maynila tinambangan, todas

PATAY ang isang retiradong pulis Maynila matapos itong tambangan at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan habang ang una ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay kahapon, Hunyo 4, sa Malabon City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Bayan ng Malabon (PBM) sanhi ng mga bumaon na bala ng kalibre .45 baril  sa iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si SP03 Henriquito Vergara y Butiong, 57, may-asawa, at residente ng 67 Magsaysay St., Barangay San Agustin ng nasabing lungsod.

Isang manhunt operation ang inalatag ng pamununan ng Northern Police District sa agarang ikadarakip ng mga salarin.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Patrick Alvarado, ng Station Investigatiuon Division (SID) ng Malabon poilice, na dakong 9:15 ng gabi ng tambangan ang biktima sa nasabing lugar.

Sa ulat na nakarating kay Chief Supt. Antonio Decano, director ng Northern Police District (NPD), naglalakad ang biktima kasama ang isang nagngangalang Magnolia Capungan, 16, bakery helper, sa nasabing lugar nang sundan ito sa paglalakad ng dalawang armadong lalaki at walang awang pinagbabaril.

Sa pahayag ni Capulong sa mga awtoridad, nagulat na lamang siya ng biglang makarinig ng sunod-sunod na malalakas na putok at nakita na lamang niyang duguan na tumumba sa daan ang kasama niya (biktima.)

Mabilis na tumakas ang mga salarin na naglalakad lamang palabas ng Rizal Ave. San Agustin bitbit ang ginamit nabaril, Ang biktima ay agad na isinugod sa pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay.

Nakarekober naman ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang mga empty shell ng nasabing kalibre ng baril na ginamit ng mga salarin.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang kaso at sa kasalakuyan ay hindi pa rin mabatid ang  tunay na motibo sa nasabing krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply