Retiradong pulis todas sa saksak

ISANG retiradong pulis na suma-sideline bilang tricycle driver ang pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City Sabado ng madaling araw, Hunyo 4.

Namatay noon din sa lugar ng insdente ang biktimang si Ginsano Tutor , 58, ng No. 57 Ama st., Sitio  Mendez , Barangay Baesa , Quezon City at dating pulis sa Caloocan.

Batay sa pahayag ng asawang si Virginia, huling nakita ang biktimang nakikipag-inuman umano sa ilang teenager sa may M. de Jesus st. sa nasabing lugar mga pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Sinabihan pa umano niya ito na umuwi na dahil gabi na pero hindi nagtagal nabalitaan na lamang niyang sinaksak ang biktima.

Ayon sa isang batang pamangkin ng biktima, nakita niya ang kanyang tito na sinaksak ng hindi niya nakilalang lalaki habang ito’y kinakausap ng mga sandaling iyon. Alex Ching

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply