Retirement benefits makukuha na sa loob ng isang buwan

INAPRUBAHAN na ng Senado ang panukalang batas na naglalayong mapabilis ang pagkakaloob ng benepisyo at pension ng mga retiradong kawani ng gobyerno.

Pangunahing iniakda ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, ang Senate Bill No. 2748 na nagtatakdang magbigay pensyon at iba pang benepisyo sa mga empleyado ng pamahalaan sa loob ng 30 araw matapos ang kanilang retirement.

Ipinag-uutos din sa panukalang batas ang pagbibigay ng benepisyong manggagaling sa Government Service Insurance System (GSIS) sa huling araw mismo ng magreretirong kawani ng gobyerno, ayon na rin sa itinakda ng GSIS Charter.

“Ang gobyerno ay ang pinakamalaking tanggapan sa bansa na may tinatayang 1.31 milyong empleyado na naitala noong second quarter ng taong 2010.

Ang malungkot, karamihan ng mga kasamahan natin sa gobyerno ay pinagkakasya lamang ang kakarampot na sahod para pantawid sa mga pangangailangan ng pamilya.

Inilaan nila ang kanilang produktibong panahon at buong buhay upang maglingkod sa publiko at sa bayan natin kahit na kakarampot ang sahod at benepisyong kanilang nakukuha sa pamahalaan,” dagdag pa ni Trillanes.

Inihalimbawa ni Trillanes ang sitwasyon ng mga pampublikong guro.

At dahil aprubado ang panukala ni Trillanes, iginiit nito na hindi na maghihintay ng mahabang panahon ang mga retiradong kawani ng pamahalaan dahil makukuha na nila ang pensyon at mga benipisyo na inilalaan ng batas para sa kanila sa loob ng isang buwan.

Kasabay nito, nais din ni Trillanes na sampahan ng kaso at kaukulang parusa ang sinumang kawani o opisyal ng gobyerno na magiging dahilan ng pagka-antala ng pagbibigay ng mga naturang benepisyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply