Return2Home website para sa OFWs inilunsad

NAGLUNSAD ng website ang isang career and recruitment solutions provider ng ‘Return2Home’ program kung saan hinihikayat ang mga Pinoy na nasa abroad na makakuha ng trabaho sa kanilang pagbabalik sa bansa.

Ayon sa Monster Philippines, ang nasabing programa ay sadyang inilunsad para paigtingin pa ang pagnanais ng gobyerno na magbigay ng employment opportunities sa mga Pinoy, lalo na silang nasa ibang bansa na ang akala ay wala nang babalikang hanapbuhay sa Pilipinas.

“There has been a 47% increase in the traffic of people authorized to work in the Philippines between January and December 2010,” ayon sa internal research na isinagawa ng Monster Philippines.

“Leveraging its global footprint, Monster.com will target and connect with Filipino jobseekers from the United States, United Kingdom, Canada, India, Gulf, and the rest of Southeast Asia, and connect them with the opportunities that exist for them in their own country.”

Ang “Return2Home” ay inisyatibo ng Monster Philippines para makatulong sa mga employer sa bansa na maka-attract ng tamang mga empleyado na sasapat sa kailangang posisyon sa isang kompanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply