Review center kumikita ng milyun-milyong piso

NABUNYAG nitong Martes na kumikita ng milyun-milyong piso ang mga review center sa kabila na walang nagre-regulate sa mga ito.

Ito ang nadiskubre sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on education na pinamumunuan ni Sen. Edgardo Angara.

Nabatid na ang annual turnover ng bawat isang review center sa teachers at nurses lamang ay umaabot na sa P1.7 milyon.

Nagpahayag ng kalungkutan si Angara dahil sa kabila ng pagkita ng malaki ng mga naturang review center ay marami pa rin ang bilang ng mga hindi nakakapasa sa licensure examination.

Inihalimbawa pa ng senador ang mga nais maging abogado na kumukuha ng board na umaabot lamang sa 20 porsiyento ang mga nakakapasa kada taon.

Nais ni Angara na tingnan ng komite kung papaano mapauunlad ang review classes dahil sa dami ng bilang ng mga bumabagsak sa mga board examination.

Titingnan din ng Senado kung anong ahensya ang dapat na tumutok at mag-regulate sa mga naglipanang review center sa bansa, matapos na mapag-alaman sa hearing na walang anumang ahensya ng gobyerno ang tumitingin at nagmo-monitor o nagre-regulate sa mga ito.

“Wala ngang nagreregulate kahit ang Ched (Commission on Higher Education),” ani Angara.

Aniya, pag-aaralan pa ng kanyang komite kung ano ang mga dapat na gawin dahil nasasayang ang malaking halaga at oras ng mga magulang ng mga mag-aaral ssa mga review center subalit hindi pa rin nakapapasa ang mga ito sa mga eksaminasyon na ibinibigay ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply