RH bill ipinahihinto: Birth control pills mapanganib

IPINAHIHINTO ni Davao City Rep. Karlo Nograles ang deliberasyon ng Reproductive Health bill dahil sa diumano’y napabalitang panganib na dulot ng birth control pills sa mga babae.

Ang paggamit ng kontraseptibo ay itinatadhana sa ilalim ng House bill 4244 o RH bill.

Sa kanyang interpelasyon, binigyang diin ni Nograles na kailangan munang imbestigahan at pag-aralan kung bakit naglipana ang pills na abortifacient samantalang ang paggamit nito ay krimen.

Ipinabubura rin ni Nograles ang probisyon sa RH bill na nagtatakda ng pamumudmod ng birth control pills sa mga babae dahil sa panganib na dulot nito gaya ng pagkakaroon umano ng breast cancer.

Hindi naman itinatanggi ng co-author ng panukala na si Akbayan Rep. Arlene Kaka Bag-ao na may panganib na dulot ang paggamit ng kontraseptibo subalit nilinaw niya na mas malaki ang panganib para sa mga hindi nagbi-breast feed o kaya ay sumasailalim sa x-ray.

Giit pa ni Bag-ao na kahit ang pag-inom ng alcohol araw-araw ay mayroon ding ganitong panganib.

Sinopla naman ito ni Elizabeth Angsioco ng  Democratic Socialist Women of the Philippines sa pagsasabing kahit ang mga eksperto ay nagsasabing ligtas itong gamitin.

Nakapagtataka aniya kung saan nanggagaling ang impormasyon ng anti-RH.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply