RH bill tinabla ng PDP-Laban

IBINASURA ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Laban ang panukala sa Kongreso hinggil sa reproductive health bill (RH bill) bilang suporta sa panawagan ng Simbahang Katoliko na mahigpit na tumututol sa batas.

Sa ginanap na media forum nitong Biyernes ng umaga sa Gloria Maris Restaurant, CCP Complex, Pasay City, sinabi nina Atty, Aquilino Koko Pimentel III at Joey De Venecia III presidente at secretary-general ng partido na hindi kaya ng kanilang konsiyensiya na suportahan ang RH Bill na nakabinbin ngayon sa Kongreso.

“The RH Bill transcends party politics. In its present form, it is simply  wrong,” ayon kay Pimentel.

“Condoms, IUDs, birth control pills, and other contraceptives are commercial products. Why should the Philippine government promote them just like the other commercial products. Ano sila, sinusuwerte?” dagdag niya.

Para naman kay De Venecia na “In everything that our lawmakers do, each and every one of them should never forget: God is watching you. ”

Sinabi ni De Venecia na isa siyang pro-life dahil naniniwala siya sa punto ng conception na tao na ang fetus at mayroon nang karapatan tulad ng ibang tao.

“Pro-choice only gives a woman the choice of killing or saving the human being  inside her,” aniya. “Dapat makapamimili ka.”

Bilang ekonomista, sinabi ni De Venecia na dapat hindi tignan ng gobyerno ang populasyon ng bansa na may mahigit 90 milyon bilang problema kundi bilang assets na naghihintay lamang na magamit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply