Rhian Ramos binubura ang nakaraan nila ni Mo Twister

OBVIOUSLY, hirap na hirap si Rhian Ramos to get over sa maeskandalong lovelife niya with Mo Twister. Sa pagharap niya sa mga cameras, kitang-kita na may hurt pa rin sa kanya na tila halos di niya nakayanan ang masamang yugtong pinagdaanan. Na may matinding effort siya ngayon to get rid of a not so distant past episode ng kanyang lovelife.

Pero kitang-kita na eksperto na siya sa pagbubura ng nakaraan. We remember so well, sa isang lovelife niyang hindi naman masyadong na-expose, kumbaga, nakuhang isikreto kahit na sa bandang huli, nag-leak pa rin ito, ay nagawa niya itong burahin nang ganun na lang. Di ba, ang sama ng loob noon ni JC De Vera na humarap sa isang talk show upang ilahad ang di magandang karanasan kay Rhian? Sa biting salaysay ni JC, pinahagingan nito si Rhian sa ginawang pang-iiwan sa kanya na lahat ng bakas ay binura nito.

Remember, that “eraser” ek noon sa buhay ni Rhian. Di ba inihalintulad siya ni JC sa isang eraser na kayang burahin ang naiwang bakas ng kanilang pag-ibig?

It’s all coming back now. It seems, Rhian is employing her magic eraser to get rid of the past na pinagsaluhan nilang dalawa ni Mo Twister.

Pero hirap na hirap nga si Rhian. Sa rami yata ng mga kabanatang dapat niyang burahin, mapupudpud na, pero may matitira at matitirang bakas ni Rhian sa nakaraan.

Ilang past BF na ba’ng binura ni Rhian sa kanyang buhay?

We will make a guess, marami na. Knowing her style of bara-bara sa pakikipagrelasyon, madaling ma-fall in love si Rhian. Pero madali rin siyang ma-fall out of love.

Samalat sa kanyang  magic eraser.

Remember, maraming intriga at tsismis ang pinag-usapan noon, marami rin ang mga blind items. Kasama si Matteo Guidecelli na tinangkang kalantariin ni Rhian to no avail?

Why don’t you Google Rhian and Matteo, tiyak na lalabas sa net ang kabanatang yun.

Sa pagpapatuloy tungkol kay Rhian, lumalabas that she is trying to get her life back to normal after her controversial love affair with DJ Mo that most people predicted won’t last.

Nagbalik siya acting at ilang projects din ang ginagawa niya to help her move on.  “All I will do now is work, have fun, enjoy life, learn, and most of all, get back to normal life.

And she got herself a lawyer. Is there anything legal that she wants to fix now?

“It’s my own decision to get a lawyer to give me advice about what’s happening,” sabi pa niya. “We  decided to fix everything quietly para di na umabot pa sa court. Kaya lang, we’re not in control of everything. I can control only ‘yung sa sarili ko. But if ‘yung ibang tao will do it in a different way, then we’ll have to change our moves. I just don’t want the feeling na helpless ka sa ginagawang mali ng ibang tao. I just want a peaceful life. Iniisip ko na lang, I still have so many things to be thankful for. Why focus on the things na di ka thankful, di ba? One thing I’m so thankful of is having a family who supports me all the way. My dad even left his job abroad just to be with me here in Manila in these trying times. There’s really no better love than what your family can give you.”

Ready na ba siyang muling magpaligaw at muling umibig?

“Ayoko na. I just think more about myself now. I’m excited to go back to acting. To keep myself busy, I also go to the gym and enrolled in some classes para naman hindi showbiz lang ang focus ng buhay ko. One lesson I learned from what happened is give importance to yourself and try to make yourself grow and be a better person. My life is more normal now without Twitter. But I do miss my fans kasi that’s how I communicate with them. Baka one day, kayanin ko ring bumalik.”

So There!

***

Naghihintay ng maraming break si Jhep Carlos

SA ngayon daw, solved na siya sa pagkakaroon ng isang indie movie. Kasalukuyang palabas kasi ngayon ang “Tubero,” where Jhep went very far in exposing some very private parts of his anatomy. “Kailangan po, tito, alam ko namang kaya nila ako kinuha ay para dun so, bumigay ako. Ang kapalit naman ay isang break na puwede ko nang maging puhunan,” salaysay pa nito.

Sa ngayon, naghihintay pa rin daw si JC or Jhep, upang kahit paano ay hindi naman masayang ang mga pagbuyangyang niya. “I am hoping na may kapalit ang kahihiyan ko, sana mapansin ako, sana mapabilang ako sa mainstream. Mahirap, pero yan po ang ambisyon ko, ang kilalaning tunay na artista sa tunay na kahulugan nito.”

Very well said, di po ba?

Actually, ganoon naman talaga kagaling magsalita si Jhep.

Noong kontesero pa siya sa mga personality at bikini contests, lagi siyang standout dahil nga mahusay siyang magsalita. At siyempre, madali siyang mapansin ng mga hurado dahil sa angkin niyang physical attributes.

We wish, kasabay ng mga dasal na sana nga, palarin ang isang nangangarap na maging isang malaking bituin sa hinaharap, sa tulong ng mga taong sumusuporta sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply