Rhian Ramos TL pa rin kay Mo!

KAHIT pa itanggi ni Rhian Ramos ang intrigang diumano’y hanggang ngayon ay lagi pa rin siyang umiiyak dahil sa paghihiwalay nilang dalawa ni Mo Twister, parang hindi naman kapani-paniwala na mabilis niyang malilimutan ang mga nangyari.

Kasi nga, si Rhian mismo ang numero unong sinungaling nu’ng mga panahong pinaaamin siya tungkol sa kanilang relasyon.  Ang lagi niyang sinasabi ay magkaibigan lang daw sila.  Na kung mayroong isang lalaking sobrang malapit sa kanya ay si Mo iyon.

Hayan, lumagapak siya nang bonggang-bongga!  Kasi nga, kung hindi pa nagkaroon ng mga programa si Mo sa TV5 at sa kataklesahan niya bilang lalake ay paulit-ulit na laging nababanggit ang pangalan ni Rhian.

Kumbaga, kung magkaibigan lang talaga kayo ay hindi ka naman babanggitin araw-araw ng isang host sa kanyang mga programa.

Kaya ngayong nagkabukingan ng halos kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa, sumasayad na rin talaga ang career ng magandang young actress.

Nanganganib na siyempreng malaos si Rhian kapag hindi na siya pinagkatiwalaan pa ng GMA-7.  Ilang teleserye pa lang ang kanyang nasasalihan sa Siyete para patuyan ang kanyang talento sa pag-arte bilang preparasyon sa kanyang kasikatan, hayan at lovelife na pala kaagad ang kanyang kina-career.

Sayang na sayang. Ang ganda na dati ng takbo ng kanyang career.  Kapanta-pantasya rin siya dahil bukod sa maganda, girl na girl talaga ang kanyang dating na para sa mga kalalakihan ay masarap iuwi at pakasalan.

Dahil lumamlam na ang career ni Rhian, kaya para ulit siyang nagsisimulang magpapansin sa showbiz.

***

TAMA lang naman muna na maantala ang planong pagbabalik-showbiz ni Governor Vilma Santos-Recto lalo na sa mga panahong ito na laging may kalamidad.  Nag-aalburuto ang Bulkang Taal, kaya malungkot ang mga tanawin sa mga kalapit na bayan ng nasabing lugar.

Nitong huli, nagkaroon pa ng nakakalokang fishkill na napakalaking problema ngayon kung saan ibabaon o ililibing ang mga patay na isda.

Kaya mahirap na mag-shooting si Ate V ng kanyang comeback movie kung ganyan ang mga eksena sa probinsiyang kanyang pinamamahalaan.

Maghihintay na lang siguro si Governor Vi ng tamang panahon. Puwede siguro kapag naging maayos na ang kinakaharap na problema ngayon ng maraming bayan sa Batangas.  Aware naman kasi si Ate Vi na kapag nagpakaaktibo na naman siya sa showbiz ay magiging aktibo rin ang kanyang mga katunggali sa pulitika para siya’y muling siraan at ilaglag sa pamamagitan ng intrigang:  “Mas inuuna pa niya ang pag-aartista kesa mga problema ng Batangas!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply