Rice smuggling sa Port of Batangas

HINDI dapat na tumagal pa sa Bureau of  Customs si  Commissioner Angelito Alvarez  sa Aduana.

At kung siya’y may delicadeza, aba’y magbitiw na siya sa kanyang posisyon para mailayo ang Pangulo sa kahiya-hiyang sitwasyon.

Noong italagang customs chief, napakataas ang ekspektasyon ng taumbayan kay Alvarez dahil siya ang napili ni PNoy na mamuno sa BOC.

Ang expectation ba eh, siya’y magtatrabaho, buburahin ang namamayagpag na smuggling at corruption sa ahensya.

Pero kabaligtaran ang inasahan sa bata ng kilalang negosyanteng si Bert Lina dahil ‘di ng-deliver si Alvarez sa kanyang trabaho.

Ang smuggling at corruption sa Aduana, ‘di nawala, bagkus lalong tumindi sa kasalukuyang pamunuan ni Alvarez.

Sa Batangas lamang, isang nagngangalang Jed ang kumukupo ng rice smuggling sa Port of Batangas noong panahon ni Gloria Arroyo.

Ngayong panahon ni Alvarez, lalong namayagpag si Jed at ang kanyang grupo sa iligal na pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.

‘Di lang dapat si Alvarez ang tanggalin sa posisyon, dapat ay total overhaul ang gawin ni PNoy sa mga sangay ng ahensya sa buong bansa.

Ang lahat ng hepe sa mga Puerto sa bansa ay dapat nang palitan ni PNoy. Ito’y kung nais niyang mabago ang masangsang na imahe ng BOC.

Unahin na ninyong sibakin, Mr. President ang district collector ng Batangas Port, kasama na ang hepe ng Philippine Port Authority sa Batangas.

Dahil ang BOC head at PPA chief sa Batangas Port  ay maliwanag na ‘di kayang sawatain ang smuggling sa nasabing Puerto.

SINA ACEDO AT LING MELY

Hanggang ngayon, ‘di inaaksiyunan ni Batangas PD Col. Rosauro Acio ang reklamo ng mga taga-Ibaan tungkol sa STL-con jueteng ng isang Gerry Acedo.

Ang bookies, anila, ni Acedo ay lantarang binobola sa kanyang bahay sa Brgy. Munting Tubig, Ibaan, Batangas.

At ang masaklap, may mga bantay pa raw na mga pulis sa mismong bolahan ni Acedo. Ano ba yan, Col. Acio.

Inirereklamo rin ang pergalan sa Brgy. San Pedro, Santo, Tomas at Brgy. Tinurik, Bagumbayan sa bayan ng Tanauan.

Sa Poblacion ng San Antonio sa lalawigan ng Quezon, akala mo’y mini-casino ang pergalan na minamantine ng isang Aling Mely.

Ito’y ilang metro lamang daw ang layo sa police headquarter ng bayan na ang police chief ay si S/Insp. Rizaldy Glorioso. Col. Erickson Alvarez, sir, kilos naman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply