Rich Asuncion ginawang pastime ni Aljur Abrenica

NAGING isang mapangahas na hakbang para sa “Starstruck” avenger na si Rich Asuncion ang magpose ng sexy sa isang babasahing panglalake. Naging mabango bigla ang kanyang showbiz career sa ngayon lalo na’t nabigyan siya ng isang malaking papel sa “Sisid” ni Jackie Rice at nakipagtalbugan pa siya sa paseksihan dito.

Suffice to say, hindi lang karir siya umalagwa kundi maging sa manliligaw man ay dagsa na rin ngayon kay Rich at tsikang pati ang kanyang rumored ex-boyfriend na si Aljur Abrenica ay nakikipagbalikan sa kanya.

Sa isang panayam, ganun na lang ang gulat ni Rich sa tsika sabay sabing walang balikan at in the first place, never naman daw umamin si Aljur na naging sila at hinding-hindi raw niya ‘naramdaman’ na naging sila nga.

Basta sa ngayon, happy raw siya sa pagiging single.

@@@

Mas mahalaga kay Jake ang pagkakakitaan kaysa kay Melissa Ricks

UMAMIN na ang dalawang dating magsyotang sina Jake Cuenca at Melissa Ricks na talagang tapos na ang halos ilang taon din naman nilang relasyon. Naging tikom man noong una sa tunay na dahilan kung bakit sila nagpasyang maghiwalay ng landas, ngayon ay open na si Jake sa pagsasabing panahon para sa rating minamahal ang naging hadlang sa kanilang relasyon.

Ayon pa rin sa aktor, dahil naging super busy siya sa sunod-sunod na project na ginawa niya kung kaya nawalan siya ng panahon at atensyon kay Melissa.

Hindi kasi nabakante si Jake sa trabaho nitong nakaraang taon. Ang totoo niyan, hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang dating ng project sa kanya. Lately ay nag-guest naman siya sa “Guns and Roses” nina Robin Padilla at Bea Alonzo, habang lagare sa mga pelikulang ginawa/ginagawa tulad ng “In The Name of Love,” “My Neighbor’s Wife” at “Super Inday and The Magic Bibe.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply