Rich Asuncion kamuntik nang maging kabit ng isang pulitiko

NOON pa pala, may mga indecent proposal na si Rich Asuncion. Isang pulitiko raw na friend ng isa nilang kapitbahay, kumbaga, tinangka siyang ibugaw dito.
Minsan daw nag-iwan ng sasakyan saka susi, kamuntik na raw siyang natukso, pero dahil nga sa prinsipyo, hindi niya ito tinanggap.
“Naku, dati pa, bago pa naging cover ng FHM, I already got an indecent proposal, mga two years ago. A politician na friend ng isang neighbor namin, he left a car sa bahay namin, kasama ‘yung susi. Wala akong sasakyan that time. I was just taking a taxi that time. Ang feeling ko, ang ganda ko, pero hindi ko tinanggap. Kasi, anong magiging kapalit, di ba? Hindi ko kaya, eh. Magtatrabaho na lang ako. O, ayan, nagkaroon din naman ako ng sarili kong sasakyan na galing sa hirap at pagod ko.”
Hanggang ngayon pa pala, ayaw pa ring umamin ni Rich na nagging karelasyon niya si Aljur Abrenica. Kahit na noon pa man, open secret yung tunay na nilang relasyon, ayaw pa rin itong aminin ni Rich.
Dahil kaya ni minsan di umamin si Aljur na naging sila? Kumbaga, ayaw umamin ng lalaki, kaya di rin siya dapat na umamin.
Ganyan naman sa showbiz, di ba?
“Bakit ba ayaw nyo maniwalang never naging kami ni Aljur? Wag nyo na kami i-link at baka may magalit pa, ‘no?”
O di ba, halata ang bitterness ni Rich Asuncion?
At dahil nga pinag-uusapan ngayon ang delicious hotdog ni Aljur, puwede kayang natikman na niya ito?
“Hindi! I don’t eat it. Hindi ako mahilig!” sabay halakhak niya. “But I’m happy for him. May endorsement siya ngayong tuna hotdog. Pero baka pag binili ng mama ko at niluto, titikman ko rin.”
Will she have sexy scenes in her new GMA show, “Sisid”? “Short shorts lang and sexy tops. This is an afternoon show, so walang hubaran dito. I play villain to Jackie Rice. Gusto ko si JC Tiuseco na siya naman ang gusto kaya nagmamaldita ako sa kanya.”

***

Aljur Abrenica Trip Ipatikim Ang Hotdog Kina Ai Ai, Lovi, Marian at Solenn, Pero Di Trip Kay Rich Asuncion!

Mula nang maging endorser si Aljur Abrenica ng isang hotdog brand, naging paboritong paglaruan na siya sa iba’t ibang tag.  Lagi na, may sexual overtone na tukso sa kanya. Si Jillian Ward nga calls him Kuya Hotdog.
“Nakakatuwa nga. Mas nakilala ako dahil sa endorsement ko. May tawag ding Hotdog King. Okay lang.”
Ayaw daw kainin ni Rich Asuncion ang hotdog niya. “Let’s respect her. Hayaan na lang natin siya.”
Di ba nya ito pipiliting tikman ang kanayng hotdog?
“No, ever since, di ako namimilit. Respetuhan lang.”
Kay Ai Ai, ipakakain ba niya? “Why not?  I’ll send it to her.”
Lahat daw ng mga kasama niya sa Temptation Island, ipatitikim niya ang kanyang hotdog. Sino sa kanila ang pinakagusto niya?
“Lahat sila, walang tulak-kabigin. Pero lahat sila, di na available, di ba? Marian is hot and girlfriend material, pero may Kuya Dingdong na. Si Lovi, sexy talaga, but committed na rin. Si Heart naman, girl next door type, may Daniel na. Si Solenn is every man’s fantasy. May magagalit na rin diyan. So, hanggang katrabaho ko na lang sila.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply