Rich Asuncion tsipipay na ex-beauty queen

SIGE na, okey na. Ibigay na natin kay Rich Asuncion yung titulong beauty queen kahit na sabihing runner-up lang siya nang panahong sumali siya sa Bb. Pilipinas. Although kasi maganda naman, may kakulangan talaga siya kaya siguro hindi siya nanalo.

Sa totoo, di naman natin naramdaman na naging beauty queen ito. At the most, she is remembered as Aljur Abrenica’s kept girlfriend na di puwedeng ilantad. Kasi nga, may ibang balak kay Aljur ang GMA 7. Isa pa siguro yung di naman nakitaan ng star potential si Rich ng mismong GMA kaya di man lang sinubukang bigyan ng project na yung siya’ng bida. Lagi lang siyang suporta, lagi lang siyang pansahog. Gaya ngayon sa “Sisid,” kesyo kontrabida raw siya but that is just saying na less important star siya sa GMA 7.

And why is this so?

Dalawang beses pa lang naming nakita nang personal si Rich. Maganda talaga siya pero wala siyang latoy.  Hindi siya yung tipong sosyal na may regal bearing o élan kaya tama lang yung di siya nanalo sa Bb. Pilipinas.

Napaka-ordinary nga nito pero puro ganda lang talaga at wala ng iba pa.

Naalala tuloy namin si Jinkee Pacquiao who is just as beautiful pero yun lang, matabang, kulang sa asin, sumobra sa vetsin, kumbaga sa ulam.

We really have nothing against Rich Asuncion pero kahit pa nag-pose na siya nang sexy sa FHM, wala ring arrive. So-so lang siya na napaka-lukewarm ng attitude ng publiko. Very much unlike sa ibang FHM models na talaga namang mainit ang dating.

Need we name names?

Wag na, baka lalo lang mag-suffer in comparison si Rich Asuncion.

Could this be the reason kung bakit sa tuwing ipu-push namin siya sa mga out-of-town shows, tumatanggi ang mga promoters. Di nila feel si Rich gayung may pangalan naman ito. Besides, ang laki sana ng kamurahan ng presyo ni Rich sa ibang ka-level niya pero no way, ayaw sa kanya ng mga komite ng pa-fiesta sa mga barangay.

Could they see the same thing as we do? Na talagang halos zero ang star potential ni Rich na hanggang starlet lang at wala ng iba pang pupuntahan?

Ito rin kaya’ng dahilan kung bakit sa tinagal-tagal, di pa raw ibinibigay ng Bb. Pilipinas yung premyo niya nang tanghalin siyang runner up sa Bb. Pilipinas?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply