Richard Gutierrez durog sa boxing

MINALAS si Richard Gutierrez (26-7-1, 16 KOs) nang matalo laban kay Olympian junior middleweight Jonathan “Mantequilla Gonzalez (13-0, 12 KOs) sa kanilang bakbakan sa Roseland Ballroom sa New York City.

Si Gutierrez na boksingero ay kapangalan ng Pinoy movie actor Richard Gutierrez.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumagal si Gonzalez sa isang laban at nanalo ng ten round unanimous decision kontra sa beteranong si Gutierrez.

Hindi nakaporma si Gutierrez sa bawat round kaya nasikwat ni Gonzalez ang scores na 99-91, 98-92, 98-92  at nakuha rin ang vacant NABA at WBO Latino Youth Middleweight belts.

Ang laban ng dalawa ay undercard sa laban ni unbeaten featherweight Luis “Orlandito” Del Valle (13-0, 10 KOs) kung saan isinukbit nito ang one-sided ten round unanimous decision laban kay Dat Nguyen (17-2, 6 KOs ).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply