Riding-in-tandem suspect timbog

NALAMBAT ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa riding-in-tandem suspek na hinihinalang nambibiktima ng mga commuters na umuuwi sa dis-oras ng gabi sa pamamagitan ng panghahablot sa dala nitong bag habang naglalakad sa lungsod.

Kinilala ni Police Chief Supt. George T. Regis, direktor ng QCPD, ang suspek na si John Allen Berdol, 19, binata, ng 200 Bartolome Compound, Sta. Quiteria, Caloocan City.

Nabatid na ang suspek ay isang security guard na suma-sidline bilang snatcher gamit ang motorsiklo kasama ang isa pang suspect.

Matatandaan na huling naging biktima ng mga suspek ang nakilalang si Ariel Domingo, 23, binata, extension branch manager ng isang trading firm, ng 50 St. Anthony St., Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Dinakma ang suspek ng tropa ng Police Station 4 sa may kahabaan ng Quirino Highway matapos na maispatan ng mga una ang nagaganap na komosyon sa nasabing lugar.

Nauna rito, habang naglalakad ang isang biktima sa nasabing lugar malapit sa Uniwide Department Store, biglang sumulpot ang riding-in-tandem snatchers at biglang nagdeklara ng holdap at dinakma ang dalang bag ng una.

Nang makuha ang pakay sa biktima, mabilis na umalis ang mga suspect.

Ngunit hindi pa nakakalayo ang mga suspek ay nagsisigaw ng saklolo ang una na nagbigay atensyon sa mga nagpapatrulyang awtoridad.

Mabilis na hinabol ng mga awtoridad ang tandem at naaresto si Berdol, habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

Kasong robbery ang kinakaharap ngayon ng mga suspect, habang tinutugis pa ang kasamahan nitong nakatakas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply