Rizal Day ipinalilipat sa Hunyo 19

ISUSULONG ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Rizal Day.

Imbes na Disyembre 30 ay ipinanunukala ni Marcos na gawin ang pagdiriwang sa Hunyo 19. Aniya, mas tugma at naaayon sa kasaysayan ang pagbibigay-pugay sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa bagong petsang nabanggit.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas na inihain ni Marcos sa ilalim ng Senate Bill (SB) 2743 bilang paggunita sa ika-150 taong kaarawan ni Rizal.

“It is fitting then that Filipinos commemorate Rizal Day on June 19 as a day of triumph of his nationalism and patriotic ideals,” diin ng senador.

Pinuna ng senador na ang Disyembre 30, isang official national holiday na nagpapaalala ng pagkamatay ng ating pambansang bayani.

“The birthday of our national hero should always be a day of celebration of his life and of his great contribution to the country’s independence from foreign domination,” ani Marcos.

Dahil dito, layunin ng SB 2743 na amiyendahan ang  Executive Order No. 292 o ang  Administrative Code of 1987 na kung saan ay ililipat ang paggunita ng Rizal Day na sa Hunyo 19 imbes na Disyembre 30.

Naniniwala si Marcos na ito ang tamang panahon para baguhin at ayusin isa sa mga importanteng araw sa kasaysayan ni Rizal.

Nauna rito, ideklara ng Malakanyang sa ilalim ng  Proclamation No. 154 ang Hunyo 20 bilang special non-working holiday sa buong bansa para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Rizal, alinsunod na rin sa kahilingan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

Layunin nito na sabay-sabay na gunitain at ipagdiwang ang kapanganakan, kabayanihan at pagmamahal ni Rizal sa ating bansa. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply