‘Rizal’ microchip, ginagawa na sa bansa

ISANG grupo ng mga Filipino designer ang kumikilos sa paglikha ng kauna-unahang all-Filipino-made microprocessor na tatawaging “Rizal.”

Ang Rizal ay maaaring gamitin sa mobile phone, MP3 players at laptops, ayon sa Congressional Commission on Science and Technology and Engineering (Comste).

Sa press statement, sinabi ng Comste, kasalukuyan nang idinidisenyo ng BiTMICRO Networks Inc., isang Filipino technology firm, ang Rizal processor na inaasahan ng kompanyang magiging Filipino brand.

“Magbibigay ito ng oportunidad sa mga engineering student at professional na Filipino na paunlarin nila ang kanilang kakayahan nang hindi umaalis ng bansa,” ayon sa Comste.

Kasalukuyan nang nakikipag-koordinasyon ang kompanya sa gobyerno, akademya at pribadong sektor na makapagpalabas ng isang prototype sa 2012, ayon pa sa Comste.

Inaasahang gagastusan ang proyekto ng P90 milyon para sa pananaliksik at P1.12 milyon para sa fabrication.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply