Road Warriors aangkanin ang korona sa PBA D-League

MALAMANG sungkitin na NLEX Road Warriors ang korona ng kauna-unahang PBA D-League Foundation Cup sa kanilang ikalawang panalo sa best-of-three finals laban sa Cebuana Lhuillier Gems ngayong gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Napadapa ng Road Warriors ang Cebuana Gems sa iskor na 76-62 sa una nilang salpukan sa The Arena sa San Juan City noong Martes.

Isa nanamang pisikal na laro ang inaasahang mamamagitan sa two top teams na kung saan ipaparada ni Coach Boyet Fernandez ang mga bataan niyang sina Ronald Pascual, Calvin Abueva, Pamboy Raymundo, Ogie Menor at Eric Salamat laban sa mga tropa ni Coach Luigi Trillo na sina Pari Llagas, Kevin Alas, Allein Maliksi at Ariel Mepana.

Sa game No. 1, maraming hard foul ang naitala partikular ang isang malakas na banat ni Mepana kay Abueva.

Subalit, nakaligtas sa parusa ang una sa kadahilanang maging maluwang ang officiating na kabalintuna na ipatutupad ngayong gabi upang maiwasan ang hindi magandang inaasahang pagtatapos ng liga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply