Road Warriors vs Cebuana Gems sa best-of-3 finals

ANG magkapwang paboritong NLEX Road Warriors at ang Cebuana Lhuillier Gems ang magsasalpukan sa best-of-3 championship sa bagong tatag na PBA D-League Foundation Cup na magsisimula sa Martes, Hun yo 14, sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Naisaayos ang salpukang Road Warriors at Lhuillier Gems kasunod ang pagkalupig ng NLEX sa Max! Bond Sumos, 74-61, at sa paghalibas ng Cebuana Gems sa PC Guilmore, 83-55, noong Huwebes ng hapos sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagpaulan ng puntos ang dalawang tinanghal na best player of the game na sina Calvin Abueva na bumuslo ng 19 at si Eric Salamat na nagdagdag ng 11 para sa Road Warriors habang sina Pari Llagas at Alein Maliksi na bumuslo ng 19 at 13 ayon sa pagkakasunod, ang nagbida sa koponan ni coach Luigi Trillo na labis ang kasiyahan sa pagsulong nila sa finals.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply