Robredo gustong sapawan ang DPWH

NAIS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na sapawan ang Department of Public Works and Highway (DPWH) kung flood control ang pag-uusapan ng atasan nito ang Bureau of Fire Protection na magsagawa ng declogging operations sa mga lugar sa MetroManila na madalas lumubog sa baha tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.

Inutusan ni Robredo ang BFP, isang attached agency ng DILG na makipag-ugnayan sa mga alkalde at barangay officials sa National Capital Region (NCR) sa pagtukoy sa mga lugar na prayoridad para sa mga declogging ng mga kanal at estero.

Ayon kay Robredo, ang mga baradong estero at iba pang daluyan ng tubig sa NCR ang isa sa mga dahilan kung bakit matagal mawala ang tubig ulan sa kalsada na nagiging baha o flash floods. Magtutulungan ang mga lokal na pamahalaan at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa adhikain ni Robredo at BFP ,lalo na sa mga dump truck na gagamitin sa paghahakot ng mga basura na makukuha sa mga estero at kanal.

Nanawagan din ang kalihim sa mga residente ng MetroManila na huwag ng magtapon ng mga basura sa estero at mga kanal lalo na ang mga plastik na bumabara sa mga daluyan ng baha. Ang memo sa BFP ay bilang tugon ng DILG sa walang epektong flood control projects ng ibang ahensya ng pamahalaan. Ben Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply