ROS mananalasa umulan o umaraw

SIMULA sa 95-82 panalo laban sa B-Meg Derby Ace LLamados sa Phoenix Road Game sa Tacloban City, sinundan ng Rain Or Shine ni coach Yeng Guiao ang panalo sa ginaganap na PBA Governor’s Cup sa pagpapasadsad sa Air21 Express, 116-94 sa Big Dome Miyerkules ng gabi, Hunyo 15.

Si Arizona Reid, ang 6’2 import ng Elasto Painters na nagpasikat sa kanyang 36 puntos, 17 boards sa double-double debut game ay umukit naman ng 24 puntos, kumalawit ng 11 rebounds at limang steal habang ang higanteng si Beau Berga at Ronjay Buenafe ay kumana ng 13 at walong puntos, ayon sa pagkakasunod sa 3rd quarter nang bumawi ang Elasto Painters sa pagkakabalaho sa mainit na Air21 shooters.

Sa main game ay naitala ng nag-aambisyon sa Grand Slam na Tropang Texters ang unang panalo sa Alaska Milk Aces, 101-75. Sa inisyatibo nina import na si Maurice Baker at Ryan Reyes na nag-total ng 33 puntos.

Maghaharap sa Big Dome bukas ng hapon, Hunyo 17, ang tambalang Powerade Tigers at B-Meg Derby Ace na susundan ng banggaan ng Air21 Express at Petron Blaze 7:30 ng gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply