Roxas hinahanapan pa ng papel sa Malacañang

PATULOY na pinag-uusapan ang detalye ng magiging official function ni dating Senador Mar Roxas na itatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang Presidential Chief of Staff.

Sinabi ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na sa oras na maplantsa ang aspetong ito ay agad na dedesisyunan ang magiging kapalaran ni Roxas.

“Kasi medyo tricky ‘yung portion na ‘yon so we have to really be… we’re being careful and we’re exercising enough circumspection to really deal with it in a more appropriate manner, ‘di ba? So rest assured that, you know, this will be resolved quite… medyo simple lang naman ‘to—nothing complicated about it. It’s been done before, as you know, so we don’t see any problem coming out with this. ‘Yung timing lang I don’t know because there are still other considerations that we have yet to discuss,” anito.

At kung anuman ang magiging tungkulin ni Roxas ay sinabi ni Ochoa na may kinalaman ito sa kanyang personal na kuwalipikasyon.

Sa kabila aniya ng magiging simple ang  tungkulin ni Roxas ay kailangan pa rin na maging maingat ang Malakanyang sa kung ano talaga ang magiging titulo nito at tinatawag na delineation of functions.

Samantala, itinanggi naman ni Ochoa na magkakaroon sila ng power struggle dahil isang kapangyarihan lang naman ang mayroon sa Malakanyang at iyon ay hawak aniya ni PNoy.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply