Roxas inulan agad ng reklamo ng transport sector

HINDI pa man nakakaupo sa pwesto, umapela na agad ang transportation sector kay incoming Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar” Roxas hinggil sa pagpa-prayoridad ng mga problemang kinakaharap ng mga nasa industriya partikular na sa Land Transportation Office.

Sa ipinadalang sentimyento ng militanteng grupo ng Pagkakaisang Samahan ng Tsuper at Opereytors nationwide (PISTON), tahasan nilang sinabi na dapat unang i-resolba ni Roxas ang gusot sa Stradcom Corporation, ang IT Provider ng LTO pangunahin na ang immediate refund ng Radio Frequency Identification (RFID) na binayaran ng mga vehicle owner.

Giit ni PISTON Secretary General George San Mateo pansamantala nang pinatigil ng Korte Suprema ang implementasyon ng naturang programa ngunit hindi pa rin naibabalik ng Stradcom sa mga vehicle owner ang P350 na binayaran ng mga ito.

Matatandaang inanunsyo ng LTO noong Enero 3 ng nakaraang taon na ipatutupad na ang RFID sa layunin na matukoy ang mga iligal na sasakyan, smoke belchers, at mga nakaw na sasakyan sa mga lansangan.

Dahil dito, inobliga ng ahensya na magbayad ng kaukulang halaga ang mga may-ari ng sasakyan na balido umano ng sampung taon.

Kung susumahin, tinatayang P31.5 milyong piso umano ang dapat isauli ng Stardcom sa mga nagbayad simula ng inanunsyo ng LTO ang bagong programa.

Mariing nilinaw naman ni DOTC Assistant Secretary Raquel Desiderio na tanging ang pagpapatigil ng koleksyon lamang ang iniatas ng Supreme Court sa LTO ngunit wala pang ibinabang utos para mag-refund.

Paliwanag ni Desiderio, nakadepende pa rin sa SC kung itutuloy ang RFID refund o hindi na.

Magugunitang nagkaroon ng gusot sa pagitan ng LTO at Stradcom noong Dusyembre 2010, matapos loobin ng grupo nina Sujuico at Sumbilla, umano’y mga kaalyado ng dating LTO Chief Virgie Torres ang Stradcom Compound.

Gayunpaman, ipinahatid naman ng transport groups ang kanilang kagustuhan na makipagkaisa sa bagong DoTC Secretary hinggil sa pagsasaayos ng sistema sa transport industry.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply