Roxas sa DOTC haharangin

HINDI pa man pormal na nailuluklok bilang kalihim ng Department of transportation and Communications (DOTC) ay nag-ingay na ang isang militanteng grupo para sa posibleng pag-upo ni vice-presidential bet at dating senador Manuel “Mar” Roxas para sa nasabing posisyon.

“Former Sen. Mar Roxas being a top choice of President Aquino to the DOTC spells land grabbing for farmers,” ani Kilusang  Magbubukid ng Pilipinas Secretary General Danilo Ramos.

“We will strongly oppose Mar’s appointment at the DOTC,” pahayag nito.

Tinukoy ni Ramos ang $1.235-bilyong Metro Rail Transit Line-7 (MRT-7)project na tatakbo  mula San Jose del Monte City, Bulacan hanggang sa SM City North EDSA, na mag-uugnay sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 at Metro Rail Transit (MRT) 3.

Nangangamba si Ramos na pagka-upo ni Roxas sa DOTC ay mas magiging matindi ang pang-aagaw ng lupain at sapilitang paglilikas sa 300 magsasaka sa may 311 ektaryang inaangkin ng mga Aranetas sa Tungkong Mangga, San Jose del Monte, Bulacan.

Kasalukuyan pinagtatalunan pa rin ang naturang lupa.

Sinabi ni Ramos na sa MRT 7 project, mahigit sa 40,000 residente ng Pangarap Village sa Caloocan City ang nanganganib mawalan ng tirahan sa Greggy Araneta’s Carmel Development Inc.

Ang MRT-7 ay magsisimula sa Tala, Caloocan City, dadaan sa Lagro at Fairview, Novaliches, Batasan, Diliman, Philcoa at magtatapos sa EDSA-North Avenue.

Bilang kalihim ng DOTC, magkakaroon umano ng conflict of interest ang pamilya ni Mar na nagsasabing kanila ang lupa na dadaanan ng proyekto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply