RP Smart-Gilas nakalusot sa Duhuk ng Iraq

MULING nagpantay sa tuktok ng Group B ng 22nd FIBA-Asia Champions Cup ang Applied Science University ng Jordan at ang Smart-Gilas Pilipinas na pawang hawak ang malinis na 3-0 win-loss card.

Pinadapa ng Jordan ang Malaysia, 101-77, habang ginapi ng Philippine Nationals ang Duhuk ng Iraq, 74-63. Maghihiwalay ng landas ang Jordan at ang Pilipinas sa main game mamayang gabi, Hunyo 1. Kasunod ito ng mga pares na engkwentro ng Saudi Arabia kontra Malaysia, Iran Team laban sa Qatar at ang liyamadong Lebanon kontra sa nangungulelat na Syria.

Ang iba pang resulta ay pagpapataob ng Syria sa United Arab Emirates, 93-63, Jordan ASU na giniba ang Kula Lumpur Dragons sa iskor na 101-77 at ang pagkahulagpos ng Al-Riyadi ng Lebanon sa Al-Rayann ng Qatar sa iskor na 78-73.

Ang magwawagi sa labanan ng Smart Gilas Pilipinas at Jordan ASU ay mapapalaban sa No. 4 team sa Group B na posibleng ang Al-Jala-a ng Syria.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply