RP-US Mutual Defense Treaty ipinababasura

IPINABABASURA ng Anakpawis ang RP-US Mutual Defense Treaty upang hindi magmukhang katawa-tawa ang Palasyo at ang Senado.

Iginiit ni Anakpawis Rep. Rafael Mariano na hindi dapat pang hintayin ng gobyerno na mapahiya sila at makabubuting ibasura na ang umiiral na kasunduan sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas.

Banggit pa ni Mariano na lantaran ng ipinakita ng US na hindi sasaklolo sa Pilipinas sa isyu ng pinag-aagawang Spratlys.

Malinaw ayon sa kongresista na isang pirasong papel lamang ang pagtuturing ng US sa MDT at wala itong silbi sakaling mangailangan ng tulong ang gobyerno.

Ganito rin ang pananaw ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao na ilusyon lamang ang MDT sapagkat tiyak aniyang magbubulag-bulagan ang Kano sa problema ng Spratly islands.

Hindi naman ito ikinagulat ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa pagsasabing sa simula pa lamang ay ginagamit lamang aniya ng US`ang Pilipinas para sa pansariling kapakanan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply