RR Enriquez naghihirap?

NABULABOG si RR Enriquez dahil kinukulit siyang interbyuhin sa isyung nagbebenta na ito ng gamit at condo unit. Iniintriga tuloy kung naghihirap na ang dating host ng “Wowowee” at dating cast ng “Banana Split.” Mag-aasawa na ba ito kaya iiwan niya ang kanyang condo?

Nakalagay sa Facebook Account niya : “I’m selling my 2yr old cotton candy pink pa. Swire Elan Condominium, Anapolis Greenhills, San Juan. 1 parking, 96sq. mtr. 3br 2 bathroom all appliances included.. except my picture, wonderwoman and superman hehehe=) PM me if ur interested.. must see to appreciate direct buyers only.”

Reaksyon ni RR “Ano ang masama kung magbenta ako ng gamit? I have  a new house, so, ano ang gagawin ko sa condo ko? Stick? I want my money na lumago. Ayaw kong natutulog ang money,” paliwanag niya sa amin sa text.

Shout out pa niya sa Facebook: “sa showbiz nga naman… once nagbebenta ka ng mga gamit mo………. they will think naghihirap ka na……….. eh di naghihirap na……….. kung yun ang gusto nyo isipin…..”

Talbog!

***

MABUTI naman at nilinaw ni Jennylyn Mercado na wala pa silang relasyon ni Luis Manzano. Nasa stage pa lang na nililigawan siya at hanggang ngayon ay hindi pa siya ready na magmahal ulit.

Pati si Gob. Vilma  Santos ng Batangas ay nadadamay na sa isyu kina Luis at Jennylyn. Puro kasi magaganda ang sinasabi ni Gob sa dalawa na sinasabing hindi raw ganyan at hindi ganito.  Lumabas na parang kandidato lang daw si Vilma sa pagsasalita tungkol sa dalawa.

Napakapulitiko na raw niya magsalita at talagang pang-best actress.

Ano ba ‘yan, pati ba naman si Ate Vi, iniintriga pa? Pag hindi naman maganda ang sasabihin niya, ine-nega rin siya, no?

***

PINABULAANAN ni Milagring na buntis siya. Kumalat ang tsismis na naglilihi siya after one week na dalawin niya ang BFniya na member ng Street Boys na si Nicko Manalo sa Singapore. Nagpe-perform kasi sila sa Universal Studios.

“How I wish, nyak, e, nasa Singapore nga po jowa aketch, e,” sagot niya sa text.

May bago pa namang comedy show si Milagring sa TV5  na “Sugo Mga Kapatid” kaya malabo nga namang magpubuntis siya sa panahong ito.

Well abangan na lang natin kung may lalaking tiyan!!!!!

***

BABARILIN at mamamatay na si Valerie Concepcion sa ‘Mga Nagbabagang bulaklak’ ng TV5.

Binigyan siya ng taning ng ABS-CBN na hanggang June na lang siya kailangang mapanood sa serye ng TV5 dahil ini-ere na ang “100 Days To Heaven” ng Dos. Hindi pumayag ang management na sabay napapanood ang isang artista sa dalawang primetime show at nasa magkaibang channel dahil baka masilip ito at pamarisan ng ibang artista.

“Respeto na rin. Para na rin wala nang mga issue,” bungad niya nang makatsikahan siya sa Belissimo Restaurant.

Pero marami ang nagsasabi na maganda ang unang performance ni Val sa Mga Nagbabagang Bulaklak at puwede siyang ma-nominate.

“Masaya ako na na-appreciate naman ang paghihirap ko pero parang ayaw kong umasa. Kung darating, e, di thank you. Hindi sumagi sa utak ko na magkaron ng acting award,e!,” bulalas niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply