Ruiz handa na kay Boom Boom

KULANG na lang ay sabihing ‘umpisahan mo nang magdasal’ nang magmalaki kahapon si Mexican featherweight Heriberto “Cuate” Ruiz na gagawin niya umanong tatlo ang talo ni Filipino Rey “Boom Boom” Bautista sa kanilang bakbakan sa Sabado.

Kaninang umaga ay dumating na si Ruiz sa Mactan Cebu International Airport today para sa PINOY PRIDE 6: GRUDGE REMATCH laban kay Bautista.

Ayon kay Ruiz, walang depensa si Bautista kaya magiging madali ang pagtalo niya rito.

Si Ruiz ay dumating lulan ng Cathay Pacific flight CX 921 705 PM kasama ang trainer na si Jose Heriberto Ruiz at handler Francisco Dominguez.

Matatandaan na ang Mexican ay na-knock down si Bautista at nasikwat ang unanimous decision noong unang maglaban sila sa Las Vegas noong 2008 sa the Ricky Hatton vs Pauli Malignaggi undercard.

Sabi ni Ruiz, napanood niya ang laban ni Bautista kay Alejandro Barrera kung saan na-knockout ang huli.

Subalit sinabi niya na si Alejandro ay hindi naman kasing haling ng pinsan nitong si Marco Antonio Barrera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply