Russian President gustong manalo uli si Obama

INIHAYAG ni Russian President Dmitry Medvedev ang kagustuhan nitong manalo uli si U.S. President Barack Obama ng pangalawang termino dahil sa gumagandang U.S-Russia relationship.

“I would like Barack Obama to be elected to the office of president of the United States a second time,” ani Medvedev.

Nabatid na kabilang sa pinagkasunduan ng dalawang bansa ay ang nuclear arms reduction na kapwa sinang-ayunan ng dalawang world powers. Sinuportahan din ng administrasyon ni Obama ang kagustuhan ng Russia na makasama sa World Trade Organization.

Samantala, kinastigo ni Medvedev ang mga kalabang grupo ni Obama dahil sa ginagawa nila scapegoat ang kanilang bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply