S. Cotabato sinalanta ng buhawi, 8 bahay sinira

SIRA-SIRA ang walong kabahayan saBarangay New Lambunao sa Tantangan, South Cotabato makaraang salantain ang mga ito ng buhawi.

Batay sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), tinangay ng buhawi ang mga bubong at haligi ng mga bahay, habang natumba rin ang ilang malalaking punongkahoy at ilang poste ng kuryente.

Kasalukuyan namang inaalam ang kabuuang pinsala na iniwan ng buhawi na sumabay sa pagbuhos ng malakas na ulan sa naturang bayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply