Sa girian ng Pinas, China spokesman ni PNoy ang sisisihin

UNANG-UNA umanong mababagsakan ng sisi ang mga matatabil ang dila na spokesman ni Pangulong Noynoy Aquino sa sandaling sumabog ang girian ng Pilipinas at China kaugnay sa pinag-aagawang Spratly islands.

Ito ang reaksyon ni Senador Francis Escudero sa araw-araw at blow by blow na nagbibigay ng matatapang na komentaryo ang mga spokesman ni PNoy ukol sa Spratlys gayung hindi nila expertise.

Ayon sa senador, hindi na umano pinakikinggan ng mga naturang matatabil ang dila ng Palasyo ang payo ng mga eskerto na ipaubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang diplomatikong pagtugon sa China.

Binigyang diin pa ni Escudero na nakakatakot na sa pagmamarunong ng mga spokesman ni PNoy na nagbibitiw ng malulutong na statement, delikado na mas lumala pa ang girian ng Pilipinas at China.

Dagdag ng senador, kung hindi kayang itikom ng mga spokesman ang kanilang bibig pagdating sa Spratlys, magtagalog na lang ang mga ito para mahirapan ang mga Tsino sa pag-intindi at upang hindi na makapanggatong pa sa mainit nang sitwasyon.
Diin ni Escudero, sensitibo ang girian ngayon ukol sa spratlys at dapat itong ipaubaya sa mga eksperto sa DFA o kaya’y mismong kay PNoy dahil bilang pangulo, siya ang nagdidikta ng foreign policy ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply