Sa ikalawang pagkakataon… Tsik ni Zanjoe sasakmalin na naman ni Binoe

ANO kaya ang feeling ni Zanjoe Marudo ngayong nakikipaglandian din ang kanyang girlfriend na si Bea Alonzo sa matulis na action star na si Robin Padilla?

Marahil baka sa inis, sa isip ni Zanjoe ay tinigbak n’ya na si Robin. Hehehe!

Imagine, pa’no ka namang di kakabahan kung ikaw si Zanjoe e,’yung unang tsik niya na si Mariel Rodriguez ay sinakmal na ni Binoe at ngayon ay asawa na.

Tsika nga sa atin ng ilang tsismosang gala, labis daw na dinamdam ng morenong aktor ang tuluyang pagkawala sa kanya ni Mariel nang magpakasal ito sa action star.

Nagmamam (uminom) daw ito ng katakot-takot na alak dahil sa labis na paghihinagpis.

Oo nga’t dumating sa buhay ng alaga ni Kuya Boy Abunda si Binoe nang wala na sa piling n’ya si Zanjoe. Pero para sa huli, may pagkakataon pa sanang magkabalikan sila ni Mariel kung wala sa buhay nito ang dating bad boy ng Philippine cinema.

‘Sayang’, sabi nga ni Ms. Claire dela Fuente.

Nawalan si Zanjoe ng nauutangan, este, minamahal. Hikhikhik!

Ngayon, for the second time around, mukhang nanganganib na naman ang girlita n’yang si Bea sa mga matitigas na kamay ni Robin.

Eh, ang weakness pala ni Ms. Alonzo ay ang mga maromantikong lalake. Susme! ‘Yan ang katangiang taglay ni Robin kaya nakarami siya ng chikas. Oh, pa’no ka ngayon pareng (pare daw, o! hahaha!) Zanjoe?

Mayayari ka na naman ni Binoe not just once, but twice! Hahaha!

Giatay!

Balita pa namin, pati ‘mama’ ni pareng Zanjoe, naagaw din sa kanya ng isang maputi at machong guy. Ha?

Joke! Hahaha!

***

Ano kaya ang masasabi ng mga nasasakupan ni Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan sa kanilang mayor na laging nakasawsaw sa showbiz?

Mag-artista na lang kaya si yorme para hindi na s’ya pagtakhan ng kanyang constituents.

Mabuti sana kung ang ating gwaping na alkalde ay hindi balat-sibuyas. Eh, itong mundo ng showbiz ay puro katsismisan dito’t intriga. Baka maubos ang salapi niya sa kadedemanda ng mga mamahayag kapag natsika na naman siya?

Sus ginoo!

Ngayon si Ara Mina na naman ang tropa niya. Pero after kay Ms. Aiko ay naging malapit din siya kay Dinagat Island’s governor Jade Ecleo na suma-sideline din sa showbiz.
Next time pag binoto natin si mayor, hindi na para alkalde kundi para best actor. Hehehe!

***

Sophia Montecarlo was born on March 1, 1986 to parents Aladino and Melinda Nibley. She was the eldest in her family. Sophia’s father was such a big fan of Vilma Santos that he named his daughter after the star mayor’s son Luis Manzano (also known as Lucky Manzano), Sophia was baptized Swirtty Mae Nibley, Lucky. Swirtty/Sophia’s dad must have been totally star-struck that he trained his daughter to sing, starting at age 3.

Sophia is of mixed cultural background, half Filipino, quarter Japanese, Spanish, and American descent. The 6th Grand finalist of ABS CBN – Born Diva TV series, said she could sing as many as 20 songs every day. when she reached her teens, Little wonder Sophia, a Mass Communication major in Trinity University of Asia, was a runaway winner when she sang the lungbusting Halik by Aegis.

In 2010, Sophia was chosen as one of the representatives of the Philippine Team for the World Championship of Performing Arts (WCOPA), where she competed for the senior division.
Her awards are as follows: GOLD: Special Award – Female Vocal Contemporary 18 -24SILVER – Female Vocal Contemporary – 18-24SILVER – Female Vocal Latin – 18-24SILVER – Female Vocal Open – 18-24BRONZE – Female Vocal Rock – 18-24

Sophia Montecarlo’s new single ‘Find Me’ has just been released for online distribution last May 26, 2011.

Find Me was originally written and composed by Jonbudz Rocio. XayberOptix at VocalSync Studio Arranger/Producer. Everyone will be able to download this song from any of the following online music stores: iTunes, Amazon, Spotify, MySpace Music, MediaNet, eMusic, Zune, Rhapsody, Nokia, Napster, Thumbplay and IMVU.

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cellphone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. at kuya_abepaul@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply