Sadorra newest PH chess GM

NAMUMULAKLAK at napakaganda ng buwan ng Hunyo para sa woodpushers na sina Julio Catalino Sadorra ng Cavite, Chardine Cheradee Camacho ng Aringay, La Union at Catherine Perena ng Caloocan City na opisyal ng chess grandmaster at woman international masters, ayon sa pagkakasunod.

Ang napakagandang balita ay isiniwalat ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/ chairman Prospero “Butch” Pichay Jr., Lunes ng umaga.

“Ino (Julio Catalino Sadorra) is now officially a chess grandmaster. He was formally recognized by the World Chess Federation (FIDE), as well Cheradee (Chardine Cheradee Camacho) and Catherine (Perena), both officially a woman international masters ,” sabi ni Pichay.

Ayon kay Pichay, ang bagong kaganapan ay nangyari matapos ang miyembro ng World Chess Federation, FIDE (Federation Internationale des Echecs), ay nagpulong nitong Hunyo 4 hanggang 7 sa 2nd Quarter FIDE presidential board meeting na ginanap sa Al Ain, United Arab Emirates kung saan ay kinilala ang kanilang title status (GM at WIM’s).

“I can’t reduce my success to a formula, but it comes down to hard work and faith,” sabi ni Sadorra, sophomore majoring ng applied mathematics sa University of Texas-Dallas, USA.
Nakopo ng 25-year-old Sadorra ang kanyang third at final GM norm sa UT Dallas Grandmaster Invitational Underwritten ng Turner Construction Company, matapos niyang pisakin si Grandmaster Alexander Shabalov sa Round 10 nitong Marso.

Ang tangan niyang live Elo rating  2508 ay sapat na para mabuwag ang 2500 benchmark tungo sa GM title, na naghatid kay Sadorra bilang country’s 14th GM. Ang kanyang susunod na torneo ay ang US Open sa Agosto.

Ang iba pang Pinoy GM’s ay sina Wesley So (ELO 2667), Rogelio “Joey” Antonio Jr. (2589), Mark Paragua (2542), Joseph Sanchez (2539), Roland Salvador (2538), John Paul Gomez (2538), Rogelio Barcenilla (2518), Darwin Laylo (2516), Eugene Torre (2495),Nelson Mariano (2447), Buenaventura “Bong” Villamayor (2440), Jayson Gonzales (2405) at ang namayapang si Rosendo Balinas Jr. Samantala, nakasama naman nina Camacho at Perena ang grupo ng woman international master (WIM) rank na kinabibilangan nina Girmie Fontanilla, Cristine Rose Mariano, Beverly Mendoza at Fil-Aussie
Arianne Bo Caoli.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply