Sakit sa tag-ulan tinututukan ng DOH

TINUTUTUKAN na ng Department of Health (DOH) ang iba’t ibang sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan.

Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, program manager ng Emerging Infectious Diseases ng DOH, mayroon na silang naitalang 23,000 kaso ng dengue ngunit mas mababa aniya ito ng apat na porsyento kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Maliban dito, sinabi ni Lee Suy na uso rin kapag panahon ng tag-ulan ang sakit na leptospirosis, lalo pa’t madalas aniyang lumulusong  sa tubig-baha ang apektadong tao.

Paalala ni Lee Suy sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran, iwasan ang paglusong sa baha at, kung makaramdam ng anumang sintomas ay, magpatingin agad sa doktor. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply