Sakit ng ulo ng GMA-7 sina Rhian, Iwa at Marian

HINDI matapos-tapos ang sakit ng ulo na GMA-7 sa kanilang mga talent. Mga pasaway ito at tila parang mga bata na kailangan laging rendahan ng mga magulang para di mawala sa diskarte.

Tingnan n’yo nga ang pinaggagagawa nina Rhian Ramos, Iwa Moto at Marian Rivera, hindi ba’t kung maaari nga lang ay sinturunin o kaya’y hagupitin ng buntot page ang mga ito ng Kapuso Network para magtanda?

Si Rhian pinagsabihan ng Siyete na makipag-break kay Mo Twister para magtuluy-tuloy ang career nito sa GMA, oo nga’t sumunod naman nu’ng una, pero hayan ang lekat at pasimple pa ring nakikipagkita diumano kay DJ Mo.

In fact, ang kumakalat na balita ay nagkabalikan na sila. Secret lang daw nila ito para hindi maudlot.

Si Iwa naman, kinastigo rin ng Seven dahil sa kanyang kagagahan kay Mickey Ablan na naging sanhi nga ng pagwawala nito.

Imagine, isang maganda’t seksing dalaga, naghahabol sa lalaki?

Hayan at nakipaghiwalay nga siya kay Mickey, pero mababasa ngayon sa kanyang Twitter account ang pagsusumamo, paghingi ng tuwad, este tawad (Hehehe!) at pagpapaawa effect sa rating karelasyon.

Marahil ay napapakamot na lang sa kanilang ulo ang management ng Kapuso sa kalanturan ng kanilang mga talent.

Ano ba ining mga babaing itetch, talaga bang mamamatay sila ng walang lalaki sa buhay?

Endangered species na bang maituturing itong mga katulad nina Mickey at Mo Twister, the pandakekok DJ and TV host, kaya inaagapan ng mga tsipipay na sina Iwa at Rhian para hindi tuluyang maglaho? Hahaha!

Pero wala silang panama kay Marian. Kakaiba ang drama ng isang ito. Hindi ‘notes’ ang pinagi-ingay nitong hitad na ‘to dahil kampante naman siya kay papa Dingdong Dantes n’ya. Ang sa kanya, trip lang mga tol. Animo’y parating nakasinghot ito ng katol na walang ginawa sa kanyang buhay kundi ang maghanap ng kaaway.

Hindi siya masaya kapag walang inaaway. Nagkakasakit yata ang lekat kapag walang katalakan.

Hindi ba’t nag-reperi ang mga bossing ng Siyete nang gawing pulutan ng walang inumin ni Marianita si Bela Padilla?

Na-trauma nga ng labis ang alagang ito ni Ms. Claire dela Fuente sa kademonyohang ginawa sa kanya ng syota ni Dingdong.

Para talagang askal at pusakal ang ugali nitong si Marian dahil maging si Sam Pinto ay gusto ring awayin, but to no avail. Baka dumugo ang ilong niya kapag tinira na siya ng spokening dollar na si Sam. Hakhakhak!

Marami pa raw inaangilan si Marian sa bakuran ng GMA ngunit di na lamang daw siya pinapansin sa mga ito hindi dahil sa takot sila sa bruhildang ito, kundi sa magiging estado ng kanilang career sa naturang network. Baka raw kanain sila ng pailalim ng mataray na bida ng “Mamaya Na” kagaya ng ginagawa nito ngayon kay Ms. Claire.

Subalit sadyang sukdulan na nga ang pagpa-power trip nitong si Marianita. Imagine, pati ang mabait at walang imik na si Heart Evangelista ay tinira rin nito.
Mabuti na lamang at nand’yan ang nanay nitong fearless at mataray pati na ang mga bodyguards na nagtanggol sa huli.

Kung tutuusin, ka-level lang ni Marianita si Heart pagdating sa kasikatan at mas nauna pa nga itong sumikat sa kanya. Nagkataon lang na siya ang pinaghehele ng Siyete.

Para sa lahat ng TV network, dapat may katapat na parusa ang ano mang maling nagawa ng kanilang mga talent para mabago ang mga ugali ng mga pasaway na ‘to at hindi sila pamarisan ng iba.

Huwag kayong sumaway lang. Kung sino ang may sala, bigyan ng leksiyon. After all, kayo naman ang nagpapatakbo ng career nila para sila mabuhay ng marangya, sumikat at pagpantasyahan ng lahat.

***

MAY ilang buwan na ang nakararaan nang ibalita ni Korina Sanchez sa TV Patrol World na ayon daw sa PDEA ay meron silang hawak ng listahan ng mga artistang adik sa ipinagbabawal na gamot. Patuloy pa raw nila itong minamanmanan.

Ang tagal naman nilang magmanman, hayan at nakalabas na lang si Baron Geisler sa rehab at si Jiro Manio ay malapit na ring lumabas, nakatanga pa rin sila.

Marami pa ang lumutang at umaming mga artista na sila’y nalulong din sa bawal na gamot.

Ang punto natin, dapat hangga’t maaga ay disiplinahin na ng network ang kanilang mga talents para maagapan at di na lumala pa. Makipag-ugnayan sila sa mga ahensiyang may sakop nito, katulad nga ng PDEA.

***

MARAMI ang bumibilib kay Jay Manalo. Kahit daw wala itong masyadong kayod ay ayos pa rin ang buhay. Iba’t ibang sasakyan ang gamit at nakakapag-casino pa.

Ano ba raw ang sikreto ni Jay?

Sabagay, kahit may mga lumalabas ng wrinkles sa mukha ni Totoy Mola di pa rin maipagkakailang ang lakas pa rin ng appeal niya.

Ang problema lang daw sa magaling na aktor na ‘to, medyo may katamaran pagdating sa trabaho. Para siyang si Juan Tamad na nakanganga lang at naghihintay ng grasya.

Kayo naman, bakit pa s’ya magpapagod kung nakakakuha naman siya ng kadatungan kahit nakaupo lang o nakahilata. Hahahaha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply