Salceda sinopla sa pagboykot sa China products

SINOPLA ng dalawang senador ang panawagan ni Albay Governor Joey Salceda na iboykot ang lahat ng produktong gawa sa China at umiwas sa pagpunta sa alinmang teritoryo ng Beijing bilang paghihiganti sa pambu-bully ng China sa bansa sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, bagama’ inirerespeto niya ang posisyon ni Salceda, hindi dapat umanong gatungan pa ang umiinit na bangayan ng China at Pilipinas upang hindi lumala ang sitwasyon.

“Makakasira lamang ito sa relasyon ng dalawang bansa,” ayon kay Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na dapat idaan sa mabuting usapan ang sigalot upang hindi humantong sa isang pangyayari na pagsisisihan ng dalawang bansa.

“Dapat pa ring idaan sa friendly discussion ang problema o ang isyung pinagtatalunan,” ayon kay Enrile.

Sinabi naman ni  Senador Chiz Escudero na sa ngayon ay hindi makakayang gawin ang pagboykot sa naglipanang mga produktong gawang china.

Ayon kay Escudero, maaaring makapagpalala ang panawagang ni  Salceda  sa napakaselang  sitwasyon  at umiinit na bangayan ng Pilipinas at China  hinggil sa pinag-aagawang isla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply