Saleslady nagbigti gamit ang extension wire

MALAMIG na bangkay na nang maabutan ng asawa ang kanyang misis na nakabitin sa ilalim ng kanilang hagdan sa Laoag City.

Nakilala ng Laoag City Provincial Police ang biktima na si Lennie Fiesta, 35, saleslady ng isang malaking department store at residente sa nasabing syudad.

Ayon kay Sonny Fiesta, asawa ng biktima, galing umano siya sa kanyang trabaho dakong alas-8:30 ng umaga  ng maabutan niya ang kanyang misis na nakabitin sa ilalim ng hagdanan ng kanilang bahay gamit ang extension wire.

Posible umanong kagabi pa ginawa ng biktima ang pagbigti dahil malamaig na umano ang bangkay nito ng datnan ng asawa.

Sinabi ni Sonny na nitong nakalipas na mga araw ay hindi umano napapagkatulog ang biktima na maaring may problemang iniisip subalit hindi naman nito sinasabi sa mister.

Nagtataka rin si Sonny kong bakit paminsan-minsan na lamang mag-text ang bitkima sa kanya bago pa man ito nagpasyang magpakamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply