Salpukan ng PBA teams sa Dubai

BUKAS ang simula ng pinananabikang salpukan ng PBA teams sa Dubai sa pagitan ng naghahangad ng grand slam na Tropang Texters at ng nagtatangkang makaahon sa ten-team standings na B-Meg Derby Ace sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup.

Sa salpukang TNT at B-Meg na mapapanuod sa bansa mamayang alas-onse ng gabi, ipaparada ng Llamados ni Coach Jorge Gallen sa Shabab Sports Club ang kanilang bagong import na si Darell Hinson na humahalili kay Stefhon Hannah na kabalintuna sa magandang kredensyal ay hindi nakatulong sa hindi inasahang galing ng Llamados coaching staff.

Nananalig ang Derby Ace na masustine ang husay na inilaro nila laban sa Meralco Bolts noong Linggo sa Digos, Davao del Sur, nang alisan nila ng kuryente ang Meralco Bolts sa iskor na 104-92.

Ang pagkalas sa 4-way log jam sa ika-apat na posisyon na pinagtumpukan ng Meralco Bolts, B-Meg Derby Ace, Petron at Ginebra Gins ang hangad ng tropa ni Coach Jong Uichico.

Nakatakda namang sumagupa ang Gin Kings sa Tropang Texters sa Biyernes sa kanilang sariling pagtatangka na maisukbit ang ikatlong panalo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply