Salvaging operation sa ‘Princess’ 39% pa lang

NASA 39 porsiyento pa lamang ang natatapos sa salvaging operation ng tumaob na MV Princess of the Stars tatlong taon na ang nakaalilipas sa bahagi ng Sibuyan Island sa Romblon.

Ito ang kinumpirma ngayon ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Lt. Commodore Algier Ricafrente.

Ayon kay Ricafrente, patuloy pa rin ang kanilang pag-antabay sa pagtagas ng langis mula sa barko kaya matatagalan pa bago matapos ang salvaging operation.

Aniya, bago nila hininto ang isinasagawang search and retrieval operations noong Hunyo 18 ay may nakuha pa silang dalawang kalansay sa Deck B ng accommodation area ng nasabing barko.

Kaugnay nito ay nagsagawa naman ng isang misa bilang pag-aalala sa tinatayang nasa 800 pasahero na nasawi sa paglubog ng barko noong Hunyo 2008 sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyaong Frank.

Ang MV Princess of the Stars at galing ng Maynila at patungo sana sa Cebu nang maganap ang malagim na trahedya sa karagatan ng Sibuyan Island.

Lumabas sa naunang imbestigasyon na nagkaroon ng pagkukulang ang mga tauhan at opisyal na Sulpicio Lines nang payagan ng mga ito na lumayag ang barko sa kabila ng babala na delikado ang magbiyahedahil sa lakas ng bagyong Frank.

Tinatayang 820 pasahero ang sakay ng barko ngunit 32 lamang ang nakaligtas.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Percida Acosta, patuloy pa rin ang pagsusumikap na marekober ang mga kalansay ng mga biktimang  hindi pa rin nakikita.

Nakabinbin pa hanggang ngayon sa korte ang isinampang civil at criminal cases laban sa Sulpicio Lines, ang kompanyang may-ari ng nasabing barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply