Sam Pinto, ginagapang ni Marianita sa pagiging No.1 sexiest women ng FHM

ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagbulong sa inyong dear columnist na may nagaganap na meeting ngayon sa pagitan ni Marianita at ng kanyang fans kuno kung saan ang hidden agenda ay gapangin ang pagiging number one sexiest woman ni Sam Pinto sa FHM.

In terms of voting kasi ay milya-milya na ang agwat ng boto ni Sam againts Lolah Marianita. Siguro kung maglalabas ng sarili niyang pera ang malditang aktres na ito ay baka makahahabol pa siya sa alaga ni Ms. Claire. Kung ang mga barakong fans lang kasi ang kanilang aasahan, ayaw na sa kanya ng mga ito dahil matanda na nga siya unlike Sam na very fresh and young at may mega body beautiful pa, kitang-kita ang ebidensiya sa San Mig Light TV commercial nito.

‘Yung mga fans ni Angel Locsin gumagawa ng legal effort para manalo ang kanilang idol. Unlike rito sa mga fancita ni Marianita na gustong mandaya at nagrereklamo pa raw sa bilang ng mga nakuhang boto ng sikat na alaga ni Ms. Claire dela Fuente.

Wa kayo kulbaa at kuyafi, magsitigil kayo at tanggapin nyo ng wala nang dating ang idolo nyo sa mga kalalakihan dahil sina Sam Pinto at Bela Padilla na ang mga uso ngayon.

Now you know loud and clear!

***

‘Guns and Roses’ ang pinaka-astig na Kapamilya teleserye sa primetime, sa June 6 na!

SA interview ni Gretchen Fullido sa “TV Patrol” kina Robin Padilla at Bea Alonzo, mga bida ng pinaka-astig na teleserye ng Dos na “Guns and Roses” na palabas na sa Lunes, June 6, kitang-kita ang chemistry ng dalawa at nang dumating ang mga ito sa grand presscon ng kanilang ipinagmamalaking show ay marami sa invited press ang kinilig dahil talagang muling pinatunayan ni Binoe ang kanyang pagiging gentleman.

Say pa ni Bea, kahit matagal na sa showbiz si Robin ay naroroon pa rin ‘yung passion nito sa kanyang trabaho. Para naman  kay Binoe ay isang malaking karangalan for him ang makatrabaho ang batang aktres.

Si Diether Ocampo naman ay very proud sa magandang project na ibinigay sa kanya ng kanyang mother network.

Samantala, iikot ang kuwento ng Guns and Roses sa isang lalaking nagngangalang Abel (Robin Padilla) na ang nakaraan ay punung-puno ng sakit at poot simula nung siya’y sampung taong gulang pa lamang.

Dahil sa kawalan ng hustisya, napilitan siyang lisanin ang kanyang ina at kapatid upang tugisin ang mga taong pumaslang sa kanyang ama.

Sa pag-inog ng istorya, makikilala ni Abel si Reign Santana played by Bea Alonzo. Isang simpleng babae na namatayan ng mapapangasawa dahil sa isang malagim na engkuwentro.

Kapuwa may pusong sawi, sila ay pagtatagpuin ng tadhana upang maunawaan ang isa’t isa na hahantong sa malalim na pag-iibigan.

Pero, may lalaking hahadlang sa pagmamahalan ng dalawa at ito’y sa katauhan ni Marcus Aguilar na ginagampanan naman ni Diether Ocampo.

Sa di inaasahang kaganapan, mahuhulog din ang loob ni Marcus kay Reign. Sa pagpapatuloy ng istorya mas dadarami pa ang mga sorpresa at rebelasyon. Medyo daring dito si Bea kaya’t gabi-gabi ay huwag ninyo itong palalampasin sa Primetime Bida ng Dos.
Kasama rin sa cast sina: Isabel Rivas, Pinky Amador, Nanding Josef, Mark Gil, Liza Lorena, Ketchup Eusebio, Ina Feleo, Gladys Reyes, Justine de Leon, Makisig Morales at Pen Medina. At may dalawa pang magpapakilig ng inyong gabi at ito ay ang PBB Teen Edition Plus Grand Winner na sina Ejay Falcon at si Empress Schuck.

Ang Guns and Roses ay mula sa mahusay na direksiyon nina Trina Dayrit at Direk Rechie del Carmen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply