San Diego wagi sa Tarakan

HINDI mapagilan ang pagratsada ni Marie Antoinette San Diego ng Dasmarinas, Cavite matapos sa Standard Competition ng  12th ASEAN age-group chess championships, matapos niyang talunin ang
ertswhile co-leader Chandra Vania Vindy ng Indonesia, para manatiling malinis ang kanyang kartada sa seven-day tournament na ginanap sa Indoor Telaga Kramat Stadium sa Tarakan, Indonesia.

Dahil sa natamong panalo, napataas ni San Diego ang kanyang total 4.0 points para makopo ang solo leadership board sa Girls 12-Under division. Nakabalik naman sa kontensiyon si Samantha Glo Revita ng Rosales, Pangasinan matapos talunin si WCM Dong Khanh Linnh ng Vietnam tungo sa 3.0 points kasabay ng pag-akyat sa 3rd hanggang 5th place kasama sina Nguyen Thi Minh Oanh ng Vietnam at Chandra, ang kanyang third round tormentor.

Hindi lahat ay naging maganda ang balita sa local chess fans, kung saan hindi napagpatuloy ni Daryl Unix Samantila ng Tonsuya, Malabon ang kanyang pamamayagpag kontra kay Hoang Tan Duc ng Vietnam, ito’y matapos matalo kontra kay Nguyen Tan Hoang Nam ng Vietnam para mapako
sa 3.0 points sa Boys 12-Under division. Nanaig naman si Arif Abdul Hafiz kontra sa kababayang si Siregar M Ikhsan ng Indonesia para makapuwersa ng two-way tie for first place kay Hoang Nam sa pagtala nila ng perfect 4.0 points.

Dahil sa pagkatalo, si Samantila, top player ng Adamson University ay bumagsak sa 3rd hanggang 7th place. Nagpakitang gilas naman si Tristan Frech Ibaoc ng Cagayan de Oro City matapos niyang maipanalo ang kanyang fourth match kontra kay Ridho Tabri Firmanda ng Indonesia habang nadapa naman si Haince Patrick de Leon ng Marikina City kontra kay Le Quang Tra ng Vietnam. Sina Ibaoc at de Leon ay kapwa nakapagtala ng tig 2.0 points para sa 14th hanggang 20th place.

Sa Boys 16-Under division, kinapos si Patrick Dave Dulay ng Cabanatuan, Nueva Ecija matapos yumuko kay FM Pham Hoai Nam ng Vietnam. Si Dulay, una munang nanaig kay Vu Quang Quyen ng Vietnam sa kanilang third round encounter ay napako sa 2.5 points.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply