Beybi, 50 bahay tinangay ng buhawi sa Iloilo

NAWAWALA ang 3 buwan sanggol, habang 50 bahay naman ang natangayan ng bubong makaraang bayuhin ng malakas na buhawi ang Brgy. Guintas, Barotac Nuevo, Iloilo, Biyernes ng tanghali.

Nabatid na bago magtanghali nang manalasa ang buhawi sa nasabing barangay kung saan umaabot sa 20 bahay ang naitalang totally damage.

Ang Sitio Mabinuligon ang pinakaapektado sa kalamidad kung saan naroon ang karamihan sa mga bahay na nasira.

Ang Brgy. Guintas na nasa baybaying bahagi ng bayan ay nakaranas na umano ng kaparehong karanasan noong 2002 nang manalasa ang buhawi sa lugar kung saan limang bahay ang nasira.

Pansamantala namang inilikas sa kalapit na paaralan ang mga nabiktima ng ipu-ipo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply