Sanggol nakitang lumutang sa balon

MISTERYO pa rin sa pamilya ng isang taong gulang na batang babae kung paano ito nawala mula sa kanyang duyan at nakitang isa nang bangkay at lumulutang sa loob ng isang balon sa lunsod ng Butuan, sa ulat ng pulisya nitong Huwebes.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bangkay ng nang makita ni Rosalie Lariosa, residente ng Sitio Villamonte, Barangay Basag ng nabangit na siyudad, ang kanyang anak na si “Inday,” isang taong gulang, ala-una ng hapon.

Nabatid na ipinagbigay alam lamang sa mga awtoridad ng isang Michelle Alimpulos, ng Sitio Villamonte, ang insidente sa layuning makakuha ng tulong para sa imbestighasyon at tulong pampalibing sa batang biktima.

Sa salaysay umalis umano ang kanyang pinsang si Rosalie bandang alas-dose ng tanghali upang magtungo sa bayan at iniwan ang kanyang anak na nasa duyan  kasama ang dalawa nitong kapatid.

Laking gulat na lamang umano ng ina ng sanggol nang hindi na madatnan sa duyan ang anak at sa paghahanap ay nakita nila ito sa balon na ilang metro pa ang layo mula sa kanilang tahanan.

Blanko pa rin ang pamilya sa pagkakakilanlan sa pumatay sa bata.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply