Sanggol tepok sa pag-ugoy ni tatay

PATAY ang isang sanggol makaraang uguyin umano ng malakas ng lasing na ama ang duyan nito sa Brgy. San Roque Buenavista, Guimaras.

Ayon sa ulat, nakahandang magsampa ng kaso ang ina ng limang-buwang sanggol laban sa mister kaugnay sa pagkamatay ng kanilang anak.

Nabatid na pinabantayan umano ni Sally Ferrer, 39, sa mister ang kanilang anak upang magtungo sa lungsod ng Iloilo.

Ngunit imbes na magbantay ay nakipag-inuman ang lalaki at di nagtagal ay nalasing.

Batay pa sa salaysay ni Sally, namatay ang kanyang anak dahil sa malakas na pag-uga ng ama nito. Posible umanong nairita ang kanyang asawa dahil nais na nitong matulog subalit umiiyak pa ang sanggol.

Depensa naman ng akusado, nakita nitong may nakatali sa leeg ng kanyang anak at sinubukan niya lamang itong gisingin.

Samantala, lumabas naman sa autopsy examination na nagkaroon ang sanggol ng traumatic head injury, na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Nahaharap sa kasong parricide ang ama ng biktimang sanggol.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply