2 sangkot sa Maguindanao massacre timbog

NASAKOTE ang isang dating pulis at isang sibilyan dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa Maguindanao Massacre noong 2009.

Kinilala ang mga ito na sina dating PO2 Tanny Dalgan, 35, dating security escort ni Vice Mayor Sukarno Badal, ng Sultan sa Barongis, Maguindanao, at isang Rakim Amil “Ramil” Kenog, 25, ng Datu Paglas, ng nasabing probinsiya.

Ayon kay Crime and Investigation Detection Group (CIDG) director, Chief Superintendent Samuel Pagdilao, Jr., naaresto ang dalawa alas-singko ngayong madaling araw, June 1, sa Sitio Dansalan sa Barangay Panadtaban, Raja Buayan, sa nasabing probinsya.

Sa imbestigasyon, inamin ni Dalgan na kasama siya ni Vice Mayor Badal nang isagawa ang krimen sa Sitio Masalay, Ampatuan town, habang aminado naman si Amil na nagsilbi siyang miyembro ng civilian volunteer organization ng pamilya Ampatuan.

Dinakip ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Branch 221 ng Quezon City Regional Trial Court.

Ang mga ito ay may patong sa ulo na tig-P200,000 alinsunod sa Department of the Interior and Local Government (DILG) memorandum circular 2010-53.

Sa kabuuan, umaabot na sa bilang na 91 ang naaresto hinggil sa pagpatay sa 58 katao noong Nobyembre 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply